Aniya:

Ah, Louisian ka pala.

Sa maingate nakita kita,

Doon ika’y nakatanga.

Namumula.Nakikibaka.

Mas maingay ka pa sa tindera.

Ang mama dinadamay mo pa.

Sa kapwa ’di ka naawa,

Dinidikta pagpasok nila.

Louisian, humarap ka!

Sa akin mo ipakita

Dakila mong paniniwala.

Baka ako mapasama.

Sagot niya:

Louisian nga ako.

Palaban katahimikan ko.

Sa maingate ako’y hapo

Gising kamalayan ko

Ang ingay ko may pasumamo

Ang mama sumasaludo

Sa kapwa ako ang sugo

Kaalaman ko ’di naitatago.

Mga mata ko titigan mo.

Makikita mo bung – buo

Banal kong prinsipyo

At nilimbag kong pagkatao.

Aniya:

Louisian ka nga

Matalinghaga magsalita

Mahilig ka naman magmura

Ako ’di mababa

Prinsipyo ko di magulo

May saysay ang pagkatao

Naka – tuxedo pa ako

Anong mayroon sa iyo?

Aniya din:

Oo. ako ’di naka – tuxedo

Klasmeyt ko guwardiya ko

Pero ’di ako naloloko

Marunong manalo

Ikaw, matapang ka

Pero teka,

Kahapon kasama lang kita

Sa main gate ikaw din nakapula

Sigaw natin pareho. Katawan parehong hapo.

Ngayon sabihin mo,

Prinsipyo mo nilabag mo:

Anong tawag sa  ‘yo?


This poem was first published in Kuwaderno Singko, the official literary publication of Saint Louis University.

Thank you, StockSnap, for the featured image.