sA MUNDO NG HINAGPIS, WALANG HANGGANG KAWALAN

kadiliman.

sIYA ANG PUMUKAW SA INIT NG AKING KATAWAN

may sumigaw.

pAIMPIT. mAPANG – AKIT.

lUMALAPIT.

gINIGISING ANG NAHIHIMLAY KONG…

…kaharutan.

pULA ANG KULAY, PUTI ANG BUHAY.

sA INDAK NG HININGANG HATID NG BAWAL

aT PANANDALIANG LIGAYA.

sA MUNDONG UMAAPOY, MAY LAGABLAB ANG LAMAN.

ang liwanag.

iTO ANG KUMANLONG SA NAGTATALO KONG KAMALAYAN.

may tumawag.

humahangos.pagod.

iNAALIPUSTA ANG PANIS KONG KAALAMAN.

sA MUNDONG SAKIM UMAAWIT ANG LUPA.

mAINIT. mAALINDOG.

nAGPAPAHIWATIG.

sA HALINA NG PALAD, UMUNGOL ANG PATAK

sA LARO AT BANGO NG DUYAN.

pATAY – SINDI AND DIWANG LIGAW.

mGA MATA’Y NAMUNGAY.

sA PADAPLIS NAALAY.

gutom. bulag.

luntian.

nANG AKO’Y NAMULAT, MAY HABAG.

MAY GALIT.

aNG KAMUNDUHAN KUMAKATOK.

nAGHAHANAP.

uMIIYAK.

aNG ANGHEL NASA PUTIKAN.

mAY BAHID.

mAY DUGO.

aNG PAKPAK ‘DI NA MAHAGILAP.

aNG PANGARAP WALA SA ALAPAAP.

aNG MORALIDAD ITINATANGI,

sA LIPUNANG MAKASARILI.

mAY INAAPI, mAY SINISISI,

aT MAY KINOKONSINTE.

aNG KARANGALAN ‘DI MAIKUBLI

iTIM ANG HINAHABI

sA MGA BASAG NA BITUIN

aT UKIT SA SARILI.

dAHIL siya’y… hUbAd


This poem was first published in Kuwaderno Singko, the official literary publication of Saint Louis University.

Thank you, Free-Photos, for the featured image.